Muling dinagsa ng mga manonood ang special screening ng Isang Araw Lang the Movie ni Kuya Daniel Razon sa PICC Plenary Hall sa Pasay City kahapon.
Sa sobrang dami ng mga dumalo para manood ng pelikula ni Kuya Daniel, napuno ang buong PICC Plenary Hall mula itaas hanggang ibaba.
Hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga fans ni Kuya Daniel nang lumabas siya para batiin at pasalamatan ang mga manonood.
“Salamat po sa Dios at sa inyong lahat na sumuporta sa Isang Araw Lang. Sana mag-enjoy po kayo sa palabas natin ngayon. Just sit back and relax and enjoy the movie,” ani Kuya Daniel.
Sa mga hindi pa nakakapanood, ang pelikula ay tungkol sa isang simple at mabait na tsuper ng dyip na tumutulong sa kanyang kapwa sa mabuting paraan. Subalit sa kabila ng kanyang mga ipinakitang kabutihan ay pinag-isipan pa siya ng masama at pinagbantaan ang kanyang buhay ng mga mapagkunwaring opisyal ng pamahalaan at abusado sa kapangyarihan.
Ang Isang Araw Lang the Movie ay sa panulat ni Director Lito de Guzman at ipinrodyus ng kumpanyang Breakthrough and Milestones Productions, International (BMPI).
Ayon naman kay Van Avenido, ang Executive Producer ng Isang Araw Lang the Movie, positibo ang naging tugon ng publiko sa pelikula na unang pinagbidahan at idinerehe ni Kuya Daniel Razon.
Nagpa-haging rin sa mga pulitiko si Avenido at nagbiro na ang pelikulang ito ay tiyak na babagay sa mga taong may posisyon sa pamahalaan, “Sa mga politicians, babagay ito. I think it’s high time na i-apply natin ang sinasabing isang araw lang na makakapagbigay tayo ng isang araw lang na medyo, yung tong-pats natin, eh, wag nating gawin, di ba?”
Pinanood rin ni World Champ Bodybuilder Jerick Ternida ang pelikula ni Kuya Daniel Razon na matagal na niyang ini-idolo sa paggawa ng kabutihan at makabuluhang bagay para sa kapwa at sa lipunan.
“Talagang inspirasyon ko na si Kuya Daniel. Kaya noong last year na nanalo ako ng Muscle Mania Universe, nagtayo na ako ng mga health & fitness clinics para sa mga kabataan para ma-involve sila sa fitness at malayo sa mga bisyo. At siyempre magsisimula tayo sa Isang araw lang…” ani Ternida.
At kahit tapos ng mapanood ang Isang Araw Lang the Movie, marami pa rin ang nagre-request na ulitin ito at magkaroon ng Isang Araw Lang the Movie Part 2.
Puring-puri din ng mga manonood ang acting ni Kuya Daniel kaya’t nais nila na mapanood ito ng mas nakararami para matutuhan ang mga mahahalagang aral sa paggawa ng mabuti kahit isang araw lang.
“Kaya ako nanood ng Isang Araw Lang the Movie para makakuha ako ng technique kung paano ako makakagawa ng kabutihan kahit sa isang araw lang,” ang nasabi ni Divina Romano, isa ring fan ni Kuya Daniel.
Samantala, tiniyak rin ni Avenido, na hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang pelikulang ito ni Kuya Daniel Razon dahil naka-pila na ang series ng playdate nito sa iba’t ibang mga bansa.
“Naka-schedule tayo for Dubai ngayong first week of August and then 3rd and last week nasa US tayo. Meron din sa Singapore at iba pang mga bansa na nang-iimbita sa atin,” ani Avenido.
Ang Isang Araw Lang the Movie ay handog para sa lahat ng mga taong natutulungan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.
Ang pondo na makukuha mula sa proyektong ito ay gagamitin para sa mga public service programs ni Kuya Daniel sa istasyon ng UNTV, katuwang si Bro. Eli Soriano ng grupong Ang Dating Daan, Kabalikat sa Pamamahayag, Internasyunal (KAPI) at ng Kamanggagawa Foundation, Inc. (KFI).
Kasama sa cast ng Isang Araw Lang the Movie ang heartthrob of the ’80s na si Rey PJ Abellana, award-winning actor Emilio Garcia, professional action stuntman Robert Miller, comedian Arnel Ignacio at Natasha Ledesma.
Kasama rin sa pelikula ang mga co-hosts sa daily Good Morning, Kuya! Show ng UNTV (mula Mon-Fri 4:45am-9am) na sina Rene Jose, Eloisa “Lola Sela” Cruz Canlas, Tony Arevalo, Krist Melecio, Robbie Packing, UNTV artist Mayumi Lugod at Sports 37 host Ryan Ramos.
** Photos and transcript of interviews courtesy of UNTV News and Public Affairs Department. For more information, please visit http://www.untvweb.com.
I can’t wait to watch “Isang Araw Lang The Movie” sana ngayong araw na ito, Good to hear and very thankful it will be screened here in Dubai… and all over the WORLD!!!!! A MUST MOVIE TO WATCH FOR!!!!
CONGRATULATIONS!!!!! KUYA DANIEL RAZON…. HOPING FOR AWARD ANG RECOGNITION, AGAIN CONGRATULATIONS MR. PUBLIC SERVICE