Feeds:
Posts
Comments

Archive for December, 2009

Walong programa ng UNTV ang kinilala at binigyan ng parangal sa Anak TV Awards 2009 noong ika-8 ng Disyembre.

This Anak TV Seal is only awarded to television and radio programs that promotes media literacy, particularly television literacy, and pushes the agenda for child-sensitive, family-friendly television in the Philippines

Kabilang sa mga programang may Anak TV Seal ay ang Good Morning, Kuya!, Bread N’ Butter, Doc on TV, ISTORYA, Munting Pangarap, Kaagapay, Sports37 at ang Serbisyo Publiko.

Ang Anak TV Seal ay iginagawad lamang sa mga makabuluhang programa sa telebisyon na nagtataglay ng mga mabubuting aral at impormasyon na dapat panoorin at maibahagi sa mga kabataan.

Ang programang Good Morning, Kuya! na pinangungunahan ni ‘Mr. Public Service’ Kuya Daniel Razon ay ang morning show ng UNTV na hit na hit sa madla dahil sa kakaiba nitong konsepto, segments at araw-araw na libreng serbisyo publiko.

Tampok din dito ang Hataw Balita ni Kuya Daniel Razon at Aida Gonzales na nagbibigay ng mga mahahalagang balita at impormasyon na kapaki-pakinabang sa mga manonood.

Ang Good Morning, Kuya! ay ilang beses nang nakatanggap ng nominasyon mula sa iba’t ibang prestihiyosong award giving bodies sa bansa kahit dalawang taon pa lamang itong sumasahimpapawid.

Good Morning, Kuya! and Munting Pangarap show of UNTV are among the TV programs awarded with the Anak TV Seal this year.

Ito ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4:45 hanggang 9:00 ng umaga.

Ang Bread N’ Butter ng kwelang tri-kada nina Arlene Razon, Kitt Meily at Rodel Flordeliz ay nagbibigay ng mga tips tungkol sa pagnenegosyo, madadaling paraan para makakita ng trabaho gayundin ang mga murang pagkain at lugar na maaaring puntahan ng mga nagtitipid sa budget.

Ang Bread N’ Butter ay mapapanood tuwing Biyernes, alas-5:30 ng hapon.

Tuwing alas-7 ng umaga naman ng araw ng Linggo napapanood ang programang Doc on TV ng tambalang Dr. Edwin Bien at Rhea Horilleno.

Ang Doc on TV ay isangmedical-oriented show kung saan tinatalakay ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa mga sakit at medisina na mahalagang malaman ng publiko.

Iba’t ibang isyu, karanasan, kwento ng buhay at problema sa lipunan naman ang ibinabahagi sa ISTORYA.

Ang tambalan nina Bernard Dadis at Loffrey Javier ang naghahatid ng kwento at salaysay ng ating mga kababayan kasabay ng pagbubukang-liwayway.

Want to be a successful entrepreneur? Learn how and more as Bread N’ Butter shows how to make your free time a more profitable one.

Ang ISTORYA ay mapapanood tuwing Martes, alas-5:30 ng hapon.

Patuloy ding ibinabahagi sa programang Kaagapay ang iba’t ibang serbisyo publiko ng UNTV gaya na lamang ng libreng medical at dental mission sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Kilos ni Kuya Daniel, ang paghahatid ng medical service at your doorstep para sa mga walang kakayahang magtungo sa Klinika ni Kuya gayundin ang pagdalaw at pagtulong sa ating mga kababayang nasa likod ng Rehas.

Ang mga nabanggit na serbisyo ay ilan lamang sa mga public services na inihahatid ng programang Kaagapay ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon, katuwang ang grupong Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano at Kamanggagawa Foundation, Inc.

Ang Kaagapay nina Annie Rentoy, Dr. Mandy Saguin at broadcaster Rolly “Lakay” Gonzalo ay mapapanood tuwing alas-4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang mga maliliit na pangarap sa buhay naman ng ating mga kababayang walang anuman ang binibigyang katuparan sa Munting Pangarap.

Sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon at sa tulong ng Kamanggagawa Foundation ay naihahatid sa ating mga kababayan ang kanilang mga munting pangarap upang sila ay matulungan.

Ang Munting Pangarap ay mapapanood tuwing araw ng Martes, alas-7 ng gabi.

Iba’t ibang uri ng sports naman ang tinatalakay sa Sports37 ni Ryan Ramos na mapapanood tuwing araw ng Linggo.

Naniniwala rin si Ramos na sa bawat pagsasanay ng katawan ay may malaking pakinabang gayundin sa  paggawa ng mabuti na bahagi ng adhikain ni Kuya Daniel na Isang Araw Lang.

Tuwing alas-7 ng gabi ng Miyerkules napapanood ang Serbisyo Publiko na tumatalakay sa mga problema ng ating mga kababayan sa nangangailangan ng agarang solusyon.

Ayon naman kay Bob Del Rosario, ang Presidente ng Anak TV Foundation (Southeast Asian Foundation for Children and Television), 54 na mga programa sa telebisyon ang kanilang binigyan ng parangal na ibinoto ng iba’t ibang sektor sa bansa.

Ang Anak TV Foundation ay isang uri ng local advocacy organization na nagtataguyod ng media literacy, partikular na sa telebisyon at pagsusulong ng agenda for child-sensitive, family-friendly television sa bansa.

Ang Anak TV Foundation (Southeast Asian Foundation for Children and Television) ay pormal na binuo noong taong 1997.

 

Read Full Post »

Readers & Writers

Now working for onlinewritingtips.com!

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

The Style Voyager

Hong Kong Fashion and Lifestyle Blog.

The Middlest Sister

There are 5 sisters. She's the middlest.

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

Classroom as Microcosm

Siobhan Curious Says: Teachers are People Too

Life and me...

Life may not be the party we hoped for, but while we’re here we should dance to the tune.

%d bloggers like this: